Linggo, Hulyo 21, 2013

“4 sisters and a wedding”


              Ang palabas na 4 sisters and a wedding ibat iba ang laman ng pelikula may nakaktawa, drama at iba pa. Ang kwento ay tungkol sa mga magkakapatid na babae na humiling ng isang batang lalake na kapatid. At natupad naman ito at nang nagsilakihan na sila ay ang nagiisang lalaki ay may gusto nang pakasalan at ayaw ng mga kapatid niyang mga babae. Ang panganay nila ay nasa ibang bansa na nagtatrabaho nilang isang teacher dati pero dahil nagkaroon ng economic problem sa bansa ay nagging katulong na lamang siya. Pero di niya ito sinabi sa kanyang pamilya kaya nag dodoble kayod siya sa ibang bansa para matustusan ang kanyang pamilya. Nang napakilala na ni cj ang kanyang pamilya sa pamilya ni princess ay ayaw padin ng pamilya ni cj si princess para maging asawa nito. At madaming ginawa ang mga magkakapatid para hindi matuloy ang kasalan nilang dalawa pero kahit anong gawin pa nila ay di nila mapigilan ang kasal nito. At nang malaman na ang secreto ng panganay na kapatid dahil ipina imbestiga ng pamilya ni princess. Nalaman na ito ay isang katulong lamang sa ibang bansa. At dahil dun nagkabati bati na ang mga magkakapatid. Pero sa bandang huli ay di rin natuloy ang kasalan nila dahil namatay ang lolo ni princess at pag tinuloy nila ito ang kasal ay magiging sukob. Kaya imbis na masayang ang mga ginastos ginamit nlng ito para sa kasal ng isa pa nilang kapatid na sinurpresa ang kanyang mapapangasawa pag balik sa bansa ay diresto na sa kasalan.
Pagkatanto:
          Merong ibat ibang ugali ang isang pamilya at paminsan dahil ikaw ang panganay ay dapat maging una ka sa lahat ng mga nangyayare. Pero pag ikaw ay nabigo kaylangan mo din naman na aminin ito at wag itago sa pamilya mo dahil una sa lahat ay sila dapat ang nakakalam kung sino at ano ka talaga. At kapag may problema sa isang pamilya dapat ito ay lutasin agad agad dahil kapag ito ay lumala at lumaki pa ay baka mas madami pa ang masaktan at mahirapan bago ito lutasin. At para saakin dapat una sa lahat an gating pamilya muna ang inuuna dahil sakanila umikot ang ating mundo at kapag nagkaroon na tayo ng sarili nating pamilya wag nating kalimutan kung saan tayo nagsimula. Dahil kung hindi dahil sakanila ay wala tayo ngayon.

Robby Navarro
ND2A